Home NATIONWIDE Posibleng rice importation tinalakay ng Pinas, India – Indian envoy  

Posibleng rice importation tinalakay ng Pinas, India – Indian envoy  

MANILA, Philippines- Kasalukuyang pinag-uusapan ng India at ng Pilipinas ang posibleng pag-aangkat ng huli ng bigas mula sa South Asian country, ayon sa envoy nito sa Manila noong Biyernes.

Sinabi ni Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran na “there is an ongoing conversation between the head of the National Food Authority of the Philippines and of India,” bagama’t hindi niya ibinahagi ang kasalukuyang updates sa pag-uusap.

“They projected some of the requirements,” ayon pa kay Kumaran.

Hindi tiyak ng Indian envoy kung malapit nang simulan ang pag-aangkat ng Pilipinas ng bigas mula sa India, ang pinakamalaking rice exporter sa mundo subalit sinabi niyang “there was a projection of some demands” na tinalakay.

Noong Hulyo, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., siya ring concurrent chief ng Department of Agriculture, na kinokonsidera niyang humingi ng tulong sa ibang bansa upang paramihin ang suplay ng bigas sa bansa. Bukod sa Vietnam, sinisilip niya ang India.

“I think we can make a deal with India. Maybe there’s someone there we can talk to,” sabi ni Marcos.

Matapos ang pakikipag-usap sa Vietnam, na nagbigay na ng export quotations, inaasahang bababa ang presyo ng bigas. RNT/SA