Home NATIONWIDE Posisyon ni PBBM sa impeachment vs VP Sara, ‘di nagbago – Malakanyang

Posisyon ni PBBM sa impeachment vs VP Sara, ‘di nagbago – Malakanyang

MANILA, Philippines – HINDI nabago ng National Rally for Peace ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kontra sa pagsisikap na i-impeach si Vice President Sara Duterte.

“The President’s position on the impeachment move in the HoR (House of Representatives) has not changed,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin nang tanungin kung mayroong anumang epekto ang malawakang rally sa paniniwala ng Pangulo na hindi dapat i-impeach si VP Sara.

Sa ulat, hayagang sinabi ni Pangulong Marcos na kontra siya sa balakin na i-impeach o patalsikin sa puwesto si VP Sara dahil maaapektuhan umano ang trabaho ng mga kongresista at senador.

Ang katuwiran ng Pangulo, hindi ikagaganda ng buhay ng mga Filipino ang pag-impeach kay VP Sara.

“This is not important This does not make nay difference to even one, single Filipino life, so why waste time on this?” pahayag ng Punong Ehekutibo.

“What will happen to the– if somebody files an impeachment? It will tie down the House, it will tie down the Senate. It will just take up all our time, for what? For nothing. None of this will help improve a single Filipino life. As far as I’m concerned, it’s a storm in a tea cup,” paliwanag niya.

Kinumpirma naman ni Pangulong Marcos ang text message na hinikayat niya ang mga mambabatas na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay Duterte.

Matatandaang, sa Kamara nagmumula ang reklamong impeachment, na kapag naaprubahan ay dadalhin sa Senado upang “litisin” ang opisyal na nais tanggalin sa posisyon.

Ang mga impeachable official sa bansa ay ang Presidente, Bise Presidente, mga miyembro ng Supreme Court, mga miyembro ng Constitutional Commissions, at ang Ombudsman.

Bukod sa usapin ng kung papaano o saan ginamit ni Duterte ang kaniyang confidential funds na iniimbestigahan ng mga kongresista, naging kontrobersiyal ang isiniwalat ng bise presidente na may kinausap na siyang papatay kina Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Romualdez, kung may masamang mangyayari sa kaniya. Kris Jose