MANILA, Philippines – Nakatakdang manguna ang Diocese ng Imus sa serye ng conference-workshops sa reporma ni Pope Francis at synodal implementation sa unang kwarter ng 2025.
Gaganapin ang conference-workshops sa Enero 14, Pebrero 6 at Marso 6 sa St. Mary’s Girlstown sa Silang, Cavite, ayon sa diocese.
Hindi bababa sa 20 miyembro ng clergy, religious at seminarians at 70 lay leaders ang inaasahang dadalo sa aktibidad.
Pangangasiwaan ng Love Our Pope Movement (LOPM) ang mga conference-workshop sa tulong ng De La salle University-Dasmarinas Cavite Campus Ministry.
Kabilang sa mga paksang tatalakayin ang kasaysayan ng mga reporma sa Simbahan at pang-unawa sa Final Document of the Synod of Bishops of Synodality na inisyu noong Oktubre 2024 at implementasyon nito sa lokal na simbahan.
Magiging speaker naman si dating Commission on Electons Commissioner Rene Sarmiento sa unang araw at ang aktres-comedian na si Candy Pangilinan ay magsasalita sa panglawang araw.
Ang parehong speaker ay LOPM convenors. Jocelyn Tabangcura-Domenden