Home NATIONWIDE Poverty, food thresholds, ‘di gabay sa pamumuhay – NEDA

Poverty, food thresholds, ‘di gabay sa pamumuhay – NEDA

NILINAW ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang pinakabagong ‘poverty at food thresholds’ kung saan binatikos ng Ilan bilang ‘unrealistic’ ay hindi naman naglalayon o sinadya bilang gamitin na budget guidelines para sa isang disenteng antas ng pamumuhay.

Sinabi ni NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan na ang mga thresholds ay bahagi ng komprehensibong balangkas na ginagamit para suriin ang ‘development progress’ ng bansa at i-assess kung epektibo ang mga polisiya at programa ng gobyerno na naglalayon na bawasan ang kahirapan.

“They are not, and were never intended to be, prescribed budgets for a decent standard of living. They do not dictate how much a family should spend on food, nor do they provide an idea of a desirable household budget,” ang tinuran ni Balisacan.

Winika pa nito na ang ‘poverty at food thresholds’ kasama ang iba ang socioeconomic indicators, ay itinuturing na ‘key metrics’ na ginagamit ng NEDA para “assess the inclusiveness of the country’s economic growth” at suriin kung ang polisiya ay epektibong naisaayos ang kapakanan ng mga mahihirap.

“Let me emphasize that poverty is more than just needing more income to meet these thresholds. Statistics help give us a sense of scale. Behind these statistics and tools are people living in a state of deprivation, struggling to get through each day with hopes and dreams for a better life,” ang winika ni Balisacan.

Ang pahayag na ito ni Balisacan ay tugon sa mga natanggap na pambabatikos sa NEDA na ang pamilya na may limang miyembro ay ‘only classified as “food poor” kung ang bawat miyembro ay gumagastos ng mas mababa sa P64 daily sa pagkain. Ito’y nagpapahiwatig na ang isang indibiduwal ay hindi kinokonsiderang “food poor” kung mayroon itong budget ng mahigit sa P20 kada isa para sa tatlong daily meals. Kris Jose