Nadakip ng mga miyembro ng Pasay City police Substation 9 sa pakikipagkoordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong drug suspects sa isinagawang search warrant operation nitong nakaraang Miyerkoles, Agosto 14.
Kinilala ni Pasay City police officer-in-charge P/Col. Samuel Pabonita ang mga inarestong suspects na sina alyas Kuya, alyas Paul, at isang alyas Fred.
Ayon kay Pabonita, nangyari ang pag-aresto sa mga suspects dakong alas 9:36 ng gabi sa isang bahay sa 11th-18th St., Villamor Airbase, Pasay City.
Sinabi ni Pabonita na naipatupad ang pag-aresto sa mga suspects sa bisa ng search warrant na inisyu ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Edilwasif Baddiri ng Branch 115.
Sa isinagawang operasyon ay narekober sa posesyon ng mga suspects ang 20.29 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng worth P137,972.
Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police ang mga suspects na nahahrap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspects sa Pasay City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)