Home NATIONWIDE Power, communication disruptions sa malakas na solar storm ibinabala

Power, communication disruptions sa malakas na solar storm ibinabala

181
0

MANILA, Philippines – Inaasahang tatama sa mundo ang “unusually strong” na solar storm ngayong weekend.

Sa isang rare geomagnetic storm watch na inilabas ng National Oceanic and Atmospheric Administration na kauna-unahan sa loob ng 20 taon, sinabi nito na maaaring magdulot ng pagkaantala sa kuryente at komunikasyon ang solar storm.

Inalerto ng NOAA ang mga operator ng power plants at spacecraft sa orbit na mag-ingat.

“As far as the worst situation expected here at Earth, that’s tough to say and I wouldn’t want to speculate on that,” ani NOAA space weather forecaster Shawn Dahl.

“However, severe level is pretty extraordinary, It’s a very rare event to happen.”

Sinabi ng NOAA na nag-produce ang araw ng malalakas na solar flares na nagsimula noong Miyerkules, at nagresulta ng limang outbursts ng plasma na kayang makaapekto sa mga satellite sa orbit at power grids dito sa mundo.

Ang bawat eruption, o kilala bilang coronal mass ejection, ay nagtataglay ng bilyon-bilyong tonelada ng plasma at magnetic field mula sa outer atmosphere ng araw o corona.

Bukod sa pagkaantala sa kuryente at komunikasyon, maaari ring magdulot ng northern lights ang solar storm na aabot hanggang Alabama at Northern California. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here