PPP Partylist kasama si dating Presidenteng Rody “Tatay Digong” Duterte. Ang PPP rin ang inindorso ng magkakapatid na VP Sara, Rep. Pulong at Mayor Baste Duterte.
Makikita sa mga nag-daan na survey na may mga party-lists na bago sa pandinig ang nag na-nais makakuwa ng upuan sa Kongreso.
Ayon sa Commission on Election (Comelec), nasa 156 na Party-list ang kwalipikado ang pag-pipilian sa Lunes, Mayo 12.
Isa dito na bago ngunit mabilis nakilala sa bansa ay ang Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) Party-list na nakakuwa ng numero 2 sa balota mula sa raffle na ginawa ng Comelec.
Ayon sa mga survey na ginawa kamakailan, ang PPP Partylist ay mabilis pumanik sa Top 5 dahil ito ay unang party-list na ang tutok ay sadyang para sa mga mangingisda at seafarers.
Ayon sa isang interview kay PPP Party-list 1st nominee Harold Duterte, ang PPP ay mag-sesentro sa mga kailangan ng mangingisda at seafarers sa bansa gaya ng benepisyo at insurance.
Ayon pa kay Duterte, pagtutuunan din nila sa lalong madaling panahon ang pag-gawa na mga panukalang batas na tututok sa pangangailangan ng bawat mangingisda sa bansa at walang pipiliin.
Ito marahil ang dahilan kaya mabilis naibigan at binigyan ng suporta ang PPP Party-list saan mang sulok na bansa na hindi malayo na manguna at makakuwa ng 3 seats sa magiging resulta ng eleksyon 2025. RNT