MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes na hindi aatras ang Pilipinas sa pagdepensa sa teritoryo nito.
“Kailanman ay di tayo uurong sa pagtatanggol sa teritoryo ng Pilipinas,” pahayag ni Marcos sa talumpati niya sa meeting de avance ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas sa Mandaluyong City.
Kamakailan, dalawang Chinese People’s Liberation Army Navy (PLAN) ships at isang China Coast Guard (CCG) vessel ang nagsagawa ng agresibo at mapanganib na pagmaniobra laban sa Philippine vessels malapit sa Bajo de Masinloc, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nagsasagawa ang Philippine Navy’s BRP Emilio Jacinto (PS35) ng routine and maritime patrol operations bilang suporta sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at sa Philippine Coast Guard (PCG) noong May 5 nang magpairal ang PLAN’s Jiangkai II-class frigates na may bow numbers 554 at 573 at CCG vessel 5403 ng agresibo at mapanganib na pagmamaniobra.
Base sa Philippine military, nagsilbing direktang banta ang aksyon ng Chinese ships sa kaligtasan ng Philippine Navy vessel at nilabag umano nito ang International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGs).
“The AFP expresses its serious concern over these irresponsible actions by Chinese maritime forces,” anang AFP. RNT/SA