Pwersa ng Pag-Asa: Nagtungo at pormal na naghain ang Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) partylist kanina sa Comelec na pinangunahan ni Johnny Toleran na isa sa nominee.
Tututukan ng grupo sakaling maluklok ang kapakanan ng mga mangingisda at mga mandaragat maging seafarers sa ating bansa at sisikapin agad mabigyang pansin ang mga grupo ng fisherfolks sa buong bansa.
Sisiguraduhin din nila na agaran makagawa ng mga panukalang batas na tutulong sa mga mangingisda at pamilya nito gaya ng libreng insurance, libreng edukasyon sa mga anak ng nga mangingisda, at iba pa na magiging malaking kaginhawahan sa mga ito. (Cesar Morales)