MANILA, Philippines – Kakatawanin ng Vendors Partylist ang bawat maninindang Filipino matapos itong maghain ng Certificate of Acceptance at Nomination (CON-CAN) ngayong hapon ng Miyerkules, Oktubre 2.
Tatayong ika-apat na nominado si Deo Balbuena o mas kilala bilang ‘Diwata’ dahil sa kanyang Paresan.
Ayon kay Diwata, ang kanilang adbokasiya ay para iangat ang bawat maninindang Pilipino bsa kahirapan.
Magtatayo rin aniya sila ng kooperatiba para sa mga vendors bukod pa sa kailangang isaayos kanilang pagtitinda upang hindi na sila kung saan saan pa nagtitinda.







