Home NATIONWIDE OFW repatriation sapul sa flight cancellations sa Lebanon

OFW repatriation sapul sa flight cancellations sa Lebanon

MANILA, Philippines – Naantala ang repatriation sa mga overseas Filipino sa Lebanon dahil sa pagkansela sa mga flights sa gitna ng matinding labanan ng Israel at Hezbollah group, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon sa DMW, 15 overseas Filipino workers (OFWs) ang nakatakda sanang umalis sa Lebanon noong Setyembre 25, 2025 ngunit ang kanilang flights ay naipagpaliban kasunod ng kamakailang pagsabog sa Beirut.

Sa 15, tatlong OFW kabilang ang isa na may medical condition ang na-reschedule ang paglipad pabalik ng bansa sa Oktubre 11, 2024 habang ang 12 iba pa ay kasama sa 17 iba pang OFWs na nakatakdang na-mapauwi sa Oktubre 22, 2024.

Idinagdag pa na ang Migrant Workers Office (MWO) sa Beirut ay inaayos din ang repatriation ng 63 pang OFWs na may kumpletong dokumentasyon at clearance upang makaalis ng Lebanon.

Sinabi ng DMW na ang MWO-Beirut ay nag-ulat ng mga pambobomba sa Dahieh noong katapusan ng linggo.

Ligtas ang lahat ng 63 OFW na nananatili sa MWO at agad na inilipat sa isang hotel sa Beit Mery para sa pansamantalang tirahan sa mas ligtas na lugar.

Mayroon ding 16 overseas Filipinos na pansamantalang naglalagi sa inuupahang pasilidad sa Beit Meet upang masiguro ang kanilang kaligtasan at seguridad.

Sinabi ng DMW na whole-of-government assistance at suporta ang ibinigay sa mga OFW sa kanilang pagbabalik sa bansa.

Kabuuang 430 OFWs at 28 dependents ang na-repatriate mula Lebanon sa ngayon sa pamamagitan ng joint efforts mg DMW, OWWA at Department of Foreign Affairs (DFA). Jocelyn Tabangcura-Domenden