Home HOME BANNER STORY Preliminary Investigation sa 5 kaso ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan,...

Preliminary Investigation sa 5 kaso ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan, isasagawa ngayong hapon – DOJ

351
0

MANILA, Philippines – Inaasahang itutuloy ngayong hapon ang preliminary investigation sa Deartment of Justice (DOJ) kaugnay sa limang kaso ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, hinihintay pa ang ilang mga abogado ng mga respondents.

Nang tanungin kung makakarating ang mga respondents partikular ang tinaguriang BGC Boys, na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, sinabi ni Atty. Martinez na depende pa kung papayagan sila sa Senado kung saan ipinagpapatuloy naman ang pagdinig patungkol pa rin sa maanomalyang flood control prjects.

Ang isasagawang PI ay ang mga kaso na ibinalik ng Office of the Ombudsman sa Justice Department para sila ang magsagawa ng imbestigasyon.

Nahaharap ang ilang contractor at dating mga opisyal ng Department of Public Works and Highways sa reklamong malversation, perjury at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Unang itinakda ang PI noong Lunes pero ipinagpaliban ng Justice Department dahil sa pagtama ng Super Typhoon Uwan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here