Home NATIONWIDE Presensya ng CCG patuloy na hinahamon ng PCG

Presensya ng CCG patuloy na hinahamon ng PCG

MANILA, Philippines- Patuloy na hinamon ng Philippine Coast Giard (PCG) ang presensya ng Chinese Coast Guard (CCG) 3304 sa karagatan ng Zambales dahil sinabihan itong panatilihin ang isang ligtas na distansya mula sa mga sasakyang pangisda ng Pilipinas.

Diin ng PCG, ang presensya ng barko ng China ay nagdudulot ng malaking banta sa kaligtasan ng mga mangingisda at ng kanilang mga sasakyang pandagat.

Ito ay matapos sabihin ng PCG na naitaboy nila ang barko ng China palayo sa baybayin ng Zambales.

Bukod sa CCG 3304, binabantayan ng PCG ang tatlo pang Chinese vessel sa lugar kabilang ang CCG-5901 o ang monster ship, CCG-3502 at CCG-3103 .

Sinabi pa ng PCG na ang BRP Magbanua ay patuloy na niraradyo ang barko ng China para igiit na ang mga Pilipino ang may legal a karapatan para mangisda sa baybayin. Jocelyn Tabangcura-Domenden