Home NATIONWIDE Presyo ng gasolina, may rollback!

Presyo ng gasolina, may rollback!

MANILA, Philippines – MATAPOS magpatupad ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa nitong nakaraang linggo, magpapatupad naman sila ng katiting na bawas presyo sa ilang produktong petrolyo na ipatutupad bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng katiting na bawas presyo na P0.10 sa kada litro ng gasolina at P0.50 naman sa kada litro ng kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May bawas presyo din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-8:01 ng umaga.

Ang ipatutupad na oil price rollback ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes