Home HOME BANNER STORY Presyo ng ilang gulay, tataas ng 20% bago mag-Pasko — DA

Presyo ng ilang gulay, tataas ng 20% bago mag-Pasko — DA

7
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Agriculture (DA) ng humigit-kumulang 20% pagtaas sa presyo ng ilang gulay kumpara noong nakaraang linggo habang papalapit ang panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay DA Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, kabilang sa mga produktong nagmahal ang talong, kamatis at kalamansi, gayundin ang ilang high-value crops tulad ng carrots at repolyo.

Sa panayam ng PTV nitong Lunes, Nobyembre 9, ipinaliwanag ng opisyal na karaniwang nararanasan ang ganitong paggalaw ng presyo depende sa panahon at suplay ng mga produktong agrikultural.

Batay naman sa datos ng DA na inilathala sa government eAgri portal noong Nobyembre 8, umabot sa ₱128.42 kada kilo ang average retail price ng kamatis sa Metro Manila, habang ₱123.54 kada kilo ang talong at ₱166.19 kada kilo ang carrots.

Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng ilang gulay, sinabi ni Velicaria-Guevarra na nananatiling matatag ang presyo ng karamihan sa mga produktong agrikultural.

Tiniyak din ng DA na paiigtingin ang pagbabantay sa mga pampublikong pamilihan at bagsakan ng mga produkto mula sa mga sakahan.

Patuloy din umanong nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga magsasaka at producer upang matukoy ang mga problemang nakaaapekto sa produksyon at suplay ng mga produktong agrikultural. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here