Home NATIONWIDE Presyo ng langis bumagsak ng higit 5% dahil sa posibleng US-Iran deal

Presyo ng langis bumagsak ng higit 5% dahil sa posibleng US-Iran deal

40
0

MANILA, Philippines – Bumagsak ng mahigit 5% ang presyo ng langis sa maagang kalakalan sa Asya nitong Lunes dahil sa pag-asa ng posibleng kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na magwawakas sa tensyon sa Middle East, kahit na sinabi ni US President Donald Trump na hindi pa ito agad mangyayari.

As of around 2300 GMT noong Linggo, ang presyo ng Brent crude ay bumaba ng 5.1% sa $98.22 kada bariles, habang ang West Texas Intermediate (WTI) ay bumaba ng 5.2% sa $91.57 kada bariles.

Sinabi ni Trump sa isang social media post: “I have informed my representatives not to rush into a deal in that time is on our side.”

Nagsimula ang tensyon matapos ang mga pag-atake ng Estados Unidos at Israel sa Iran noong Pebrero 28, na sinagot naman ng Iran sa pamamagitan ng missile at drone attacks sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Ayon sa ulat, may ceasefire ang US at Iran mula Abril 8 habang may patuloy na negosasyon sa mga tagapamagitan para sa posibleng kasunduan. Gayunpaman, nagpatupad ang Iran ng kontrol sa shipping sa Gulf habang nagpatupad naman ng blockade ang US sa mga daungan ng Iran. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here