MANILA, Philippines — Hindi na dapat umasa ang publiko na babalik pa sa P61 kada litro ang presyo ng langis kahit matapos ang sigalot sa Middle East, ayon kay dating Energy secretary Jericho Petilla, na nagsabing posibleng manatiling mataas ang pump prices dahil sa pinsala sa oil infrastructure at sa nagpapatuloy na pandaigdigang kawalang-katiyakan.
Sa isang interbyu, sinabi ni Petilla na “Fearless forecast: There is no more, huwag na kayong umasang babalik pa ng P61 ‘yan.” Dagdag pa niya, “Ang diesel will be P100 or a little over P100, and then gasoline is a little under P100 kapag nag-normalize na lahat dahil maraming infrastructure na nasira sa ating mga refineries at mga oil extraction sa Middle East.”








