Home HOME BANNER STORY Presyo ng LPG, tataas ng P18/kilo sa Oktubre

Presyo ng LPG, tataas ng P18/kilo sa Oktubre

4
0

MANILA, Philippines – Inaasahang tataas ng kabuuang P18 kada kilo ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Oktubre dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East.

Unang ipatutupad ang dagdag-presyo ngayong Sabado, Oktubre 3. Para sa Regasco tanks, tataas ng P10 kada kilo ang presyo sa unang tranche, susundan ng P5 sa Oktubre 10 at P3 sa Oktubre 17.

Kapag naipatupad ang tatlong dagdag-presyo, maaaring umabot sa P1,600 ang 11-kilogram LPG tank mula sa kasalukuyang P1,400.

Bagama’t may sapat na suplay ng LPG, mataas ang contract price at freight cost dahil sarado ang Strait of Hormuz. Dagdag pa rito ang nabigong peace negotiations ng Estados Unidos at Iran. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here