Home METRO Presyo ng mga pangunahing bilihin, babantayan ng DTI

Presyo ng mga pangunahing bilihin, babantayan ng DTI

143
0

NEGROS ORIENTAL, Philippines – Inaasahan ng Department of Trade and Industry (DTI) Negros Oriental na hindi tataas ang presyo ng pangunahing bilihin dahil sa krisis sa Middle East.

Nakikipag-ugnayan sila sa malalaking retailer tulad ng Prince Warehouse at Lee Super Plaza, at sinabi nilang walang pagtaas sa presyo ng mga essential goods.

Pinayuhan ni Krystle Jade Bato, tagapagsalita ng DTI-Negros Oriental, ang publiko na huwag mag-stockpile ng sobra-sobrang bilihin dahil may sapat na suplay para sa lahat.

Inutusan ni Juliet Banogon, pinuno ng DTI sa probinsya, na mangalap ng datos mula sa malalaking negosyo bilang paghahanda sa posibleng pagtaas ng presyo sa mga darating na linggo.

Aminado si Bato na kung tumaas ang presyo ng gasolina, maaaring sumunod dito ang presyo ng mga bilihin, pero hindi ito mangyayari agad-agad. Ang karaniwang stock ng isang tindahan ay tatagal ng isang buwan, at ang iba ay hanggang dalawang linggo lang.

Pinayuhan din niya ang publiko na huwag mag-hoard at maaaring maglabas ang DTI ng kautusan laban sa hoarding, tulad ng limitadong pagbebenta sa bawat customer kapag may report ng sobrang pagbili.

Hindi naman saklaw ng DTI ang presyo ng karne, isda, at gulay, dahil ang Department of Agriculture at mga lokal na ahensya ang dapat mangasiwa dito.

Muling binigyang-diin ni Bato ang pangangailangan ng mga price coordinating councils sa probinsya at lokal na antas upang maagapan ang paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na sa panahon ng emergency. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here