Home HOME BANNER STORY Presyo ng noche buena products nagsitaasan na

Presyo ng noche buena products nagsitaasan na

MANILA, Philippines – Nagsitaasan na ang presyo ng nasa mahigit 100 Noche Buena items, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Batay sa Noche Buena Price Guide, ang pagbili ng 102 sa 236 na stock ay mas malaki na ang halaga kumpara noong nakaraang taon.

Samantala, 121 Noche Buena items na nanatili ang kanilang presyo hanag 13 produkto ang nakitang nagbawas ng presyo

Ang pinakabagong price guide ay sumasaklaw sa 12 kategorya: ham, queso de bola, fruit cocktail, keso, mayonesa, all-purpose cream, sandwich spread, pasta/spaghetti, elbow macaroni, tomato sauce, salad macaroni, at spaghetti sauce.

Ang price guide ay epektibo hanggang Disyembre 31, 2024 ayon sa DTI.

Sinabi ni DTI Secretary Cristina Roque, sa pamamagitan ng paglathala sa price guide, hinimok ng DTI ang konsyumer na ikumpara ang presyo at piling produkto na pinakaangkop sa kanilang badyet at kagustuhan para sa kapaskuhan.

Ang mga sumusunod ay ang mga hanay ng presyo para sa Noche Buena items:

Ham: P170.00 hanggang P928.50

Queso de bola: P210.00 hanggang P445.00 Fruit cocktail: 61.76 hanggang P302.50

Keso: P56.50 hanggang P310.00

Mayonnaise: P20.40 hanggang P245.85

All-purpose cream: P36.50 hanggang P72.00

Sandwich spread: P27.00 hanggang P263.60

Pasta/spaghetti: P32.00 hanggang P14.00

Elbow macaroni: P30.50 hanggang P126.25

Tomato sauce: P16.50 hanggang P92.85

Salad macaroni: P36.50 hanggang P126.25

Spaghetti sauce: P28.50 hanggang P103.00

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)