MANILA, Philippines – NAGBABALA si Chinese President Xi Jinping sa Estados Unidos na huwag lumagpas o tumawid sa “red line” sa pagsuporta sa Taiwan.
Sa kabila nito, sinabi ni Xi sa kanyang counterpart na si Joe Biden na nakahanda ang Beijing na makatrabaho ang incoming administration ni Donald Trump.
Nagpulong sina Biden at Xi sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Peru, dalawang buwan bago umupo si Trump sa kanyang tanggapan sa gitna ng alalahanin ng bagong ‘trade wars at diplomatic upheaval.’
Giit ng Tsina, itinuturing nito ang Taiwan bilang sarili nitong teritoryo at tumangging pamunuan gamit ang puwersa para sakupin ito habang ang Estados Unidos ay “is the self-ruled island’s main security backer even though it does not recognise Taipei diplomatically.”
Sinabi ni Xi kay Biden na “Taiwan issue, democracy and human rights, pathways and systems, and development interests are China’s four red lines that must not be challenged”, ayon sa Chinese state broadcaster CCTV.
“These are the most important guardrails and safety net for China-US relations,” ang iniulat ng CCTV na sinabi ni Xi.
“The separatist actions of ‘Taiwan independence’ are incompatible with peace and stability in the Taiwan Strait,” ang winika pa ni Xi.
Sa kabilang dako, sinabi ng foreign ministry ng Taiwan na “China’s ongoing military provocations near Taiwan are the root cause of destroying regional peace and stability and the major threat to global economic prosperity”.
Sinabi pa rin ni Xi kay Biden na ang Washington “should not intervene in bilateral disputes… and not condone or support provocative impulses” sa South China Sea, ayon sa CCTV.
Sinabi pa ni Xi ang posisyon ng Tsina sa labanan sa Ukraine ay “open and aboveboard”, at hindi papayagan ng Beijing ang tensiyon sa Korean peninsula upang “descend into conflict or chaos”, ang iniulat ng CCTV.
Samantala, inanunsyo ni Xi na Tsina ang magho-host ng susunod na APEC summit sa 2026.
Ang pag-uusap ay naglalayon na “unite Asia-Pacific countries to champion open economic and trade cooperation while rejecting protectionist and confrontational trade tactics”.
Ngunit sinabi ni Xi na ang China ay “strive for a smooth transition” sa relasyon sa Estados Unidos at handa na makatrabaho ang incoming Trump government.
“China is ready to work with the new US administration to maintain communication, expand cooperation and manage differences, so as to strive for a smooth transition of the China-US relationship,” ang sinabi ni Xi kay Biden sa pamamagitan ng isang translator. RNT