Home NATIONWIDE Pinakamalaking coral sa mundo natuklasan sa Solomon Islands

Pinakamalaking coral sa mundo natuklasan sa Solomon Islands

MANILA, Philippines – Natuklasan ng mga siyentipiko ang pinakamalaking coral sa mundo, na makikita mula sa katubigan, sa Solomon Islands.

Ang mega coral ay tatlong beses na mas malaki kaysa sa nakaraang record-holder at pinaniniwalaang nasa 300 taong gulang.

Ang mga siyentipiko mula sa National Geographic Pristine Seas ay nagsasaliksik sa kalusugan ng mga kapaligiran sa karagatan ng Solomon Islands nang kanilang matuklasan ang nasabing mega coral.

Noong unang nakita ng underwater cinematographer na si Manu San Felix ang mega coral, naisip niya na isa itong shipwreck dahil sa laki nito.

“Well, when you are in the water and you have the opportunity to see, it’s evident because it’s enormous. And I remember the first time I saw it was like in the first second realized that I was looking to something unique because it’s huge,” aniya.

Sinabi ni Eric Brown, isang coral expert, na ang pagtuklas ay isang paalala ng kahalagahan ng mga coral reef at ang pagtaas ng pangangailangan para sa aksyon upang iligtas ang mga karagatan sa mundo. RNT