Home HOME BANNER STORY Presyo ng produktong petrolyo, tatapyasan sa Martes

Presyo ng produktong petrolyo, tatapyasan sa Martes

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng local oil companies nitong Lunes na tatapyasan nito ang presyo ng produktong petrolyo ng hanggang P0.85 kada litro, epektibo sa Martes.

Sa hiwalay na abiso, sinabi ng mga kompanya na babawasan ang presyo ng gasolina at diesel ng P0.70 kada litro. Samantala, tatapyasan ang presyo ng kerosene ng P0.85 kada litro.

Ipatutupad ng Shell at Seaoil ang price adjustments sa Martes, alas-6 ng umaga.

Nitong nakaraang linggo, itinaas ng oil firms ang presyo ng produktong petrolyo ng P0.20 hanggang P1.25 kada litro. RNT/SA