MANILA, Philippines- Epektibo ang executive order ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nagtatakda ng ceiling sa presyo ng bigas, sa Martes, Setyembre 5, ayon sa Malacañang nitong Biyernes.
Bataya sa Presidential Communications Office, sinabi ni Undersecretary Leonardo Roy Cervantes na agad na ipatutupad ang price cap sa bigas pagkalathala ng Executive Order No. 39 sa national newspapers.
Ipinag-uutos sa EO ni Marcos ang pagtatakda ng price cap na P41 kada kilo para sa regular-milled rice at P45 kada kilo para sa well-milled rice.
Inaprubahan ni Marcos ang joint recommendation ng Department of Agriculture at ng Department of Trade of Industry na magtakda ng price ceilings sa bigas sa bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo nito. RNT/SA