Home NATIONWIDE Print media makabuluhan pa rin sa gitna ng digital age – PCO...

Print media makabuluhan pa rin sa gitna ng digital age – PCO chief

NANANATILING makabuluhan ang print media at magpapatuloy na magiging matagumpay sa gitna ng digital age.

Sa naging talumpati ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez na inihayag ni PCO Senior Undersecretary Emerald Anne Ridao sa idinaos na UPMGPhils Tinta Print Media Conference 2024, araw ng Lunes, kinilala ni Chavez ang mahalagang papel ng print media sa pagpapalaganap ng impormasyon sa publiko.

“Indeed, I have only one point to make: print media will remain relevant in the years and decades to come,”ang sinabi ni Chavez.

Habang ang digital age ang nagbigay daan para sa madaling access sa impormasyon, sinabi ni Chavez na patuloy naman na nagagampanan ng print media ang mahalagang papel nito.

Aniya, ang print media ay isang epektibong ‘communication tool’ dahil naaabot nito ang mas malawak na target audience.

“It is true that the digital revolution has made accessing information easier and more convenient than ever before. Never has it been simpler to like, share, and subscribe to news providers whose coverage aligns with our views,” ang tinuran ng Kalihim.

“But this convenience is not sufficient to relegate print media to the dustbin of history,” dagdag na wika nito.

Binigyang diin pa rin ni Chavez ang pagiging unique ng print media na nagsisilbi bilang susi sa pangmatagalang makabuluhan nito.

“These physical formats offer something digital cannot: a tangible sense of ownership, intentionality, authenticity, and deeper engagement with the content and its creators,” aniya pa. Kris Jose