Home HOME BANNER STORY Problema ng pagbaha sa Candaba, Pampanga pinasosolusyunan ni PBBM

Problema ng pagbaha sa Candaba, Pampanga pinasosolusyunan ni PBBM

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasagawa ng malawakang pag-aaral ukol sa panukalang pagtatayo ng ‘impounding system’ sa Candaba, Pampanga bilang long-term solution sa problema sa matinding pagbaha sa nasabing lalawigan.

Ang usapin ng pagtatatag ng malaking collection pool sa Candaba ay nabanggit sa pakikipagpulong ng Pangulo sa Pampanga local officials para tugunan ang malawakang pagbaha sa Gitnang Luzon.

May ilang lokal na opisyal ang sumalungat sa planong pagtatayo sa pangamba ng magiging epekto nito sa kabuhayan ng mga tao partikular na sa mga magsasaka ng palay.

Ang Candaba ay pangunahing rice producer sa rehiyon.

Pinawi naman ng Pangulo ang pangamba ng mga ito sabay sabing “Do not worry when it comes to the LGUs. Kayo naman ay hindi namin basta…sasagasaan na lang ‘yung project. Hindi namin gagawin ‘yun.”

“Unang-una, kayo mag-a-approve nito.  Hindi naman ma-approve ito kung ayaw ninyo. Kayo mag-approve nito na kukuha ng 10 percent (land) para paglagyan ng impounding,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Tiniyak naman ng Chief Executive sa mga maaapektuhan dahil sa panukalang proyekto na ililipat ang mga ito ng kanilang tirahan sa ibang lugar na “equally productive” gaya sa kasalukuyan nilang tinitirhan.

Ang pagtatayo ng malaking ‘collection pool’ ay isa lamang sa solusyon na binanggit sa pulong, araw ng Lunes, Agosto 7.

Binanggit din ng Pangulo ang pagsasagawa ng dredging operations bilang short-term solution at itaas ang ilang istraktura sa San Simon, Pampanga, pagaanin ang matinding daloy ng trapiko sa lugar kaugnay ng pagbaha.

“We’ll raise the NLEX para hindi na mangyari itong nangyari ngayon. And then pag-aralan natin ‘yung mga alternative routes kagaya ng… ‘yung mga truck kaya naman ‘yung baha, baka puwede nating padaanin. Iyong mga kotse, doon sa taas. So we’ll study that,” ang sinabi ng Pangulo sa nasabing pulong.

“In the long-term…we really have to study what we are going to do in terms of [impounding]. Kailangan natin pag-aralan nang mabuti dahil kung wala tayong gagawin, paulit-ulit… kahit mag-dredge tayo. So, that, I think, is the situation as we find it in the very short term, in the medium term, in the long term,” dagdag na wika nito.

Ang nabanggit na proyekto ay ipinanukala ni dating public works and highways secretary Rogelio Singson sa 2013 bilang solusyon sa pagbaha sa Gitnang Luzon.

Si Singson ay dumalo sa nasabing briefing.

Sinabi naman ng mga lokal na opisyal na ang proyekto ay maaaring makaapekto sa mahigit na 9,000 residente sa Candaba, binigyang diin na ginawa ng DPWH ang nabanggit na panukala noong panahon na walang “incorporating measures” na gagawin para sa pamilya na makaaapekto sa proyekto.

Sa ilalim ng panukala ni Singson, “the government will secure or buy around 200 hectares or ten percent of the 2,000-hectare swamp land in Candaba to build a water impounding area to prevent flooding in nearby and low-lying areas.” Kris Jose

Previous article10% export growth target sa PH halal industry
Next articleALAMIN: Bulacan gov may mga suhestyon vs malawakang pagbaha sa probinsya