Home HOME BANNER STORY Produktong petrolyo may rollback sa sunod na linggo!

Produktong petrolyo may rollback sa sunod na linggo!

Remate News Central Photo

MANILA, Philippines – Kasunod ng isang linggo ng magkakahalong paggalaw, dapat asahan ng mga motorista ang rollback sa presyo ngmga produktong petrolyo sa darating na linggo.

“[T]here will be a rollback in the prices of petroleum products,” ani Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na pinagbasehan ang oil trading sa nakaraang apat na araw.

Ang tinantyang rollback ay ang mga sumusunod:

Gasolina – P0.50-P0.80 kada litro
Diesel – P0.20-P0.50 kada litro
Kerosene – P0.20-P0.45 kada litro

Sinabi ni Romero na ang mga pagtatantya ay magbabago depende sa kalakalan ngayong Biyernes.

Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kumpanya ng langis tuwing Lunes, na ipapatupad sa susunod na araw.

Epektibo noong Martes, Marso 5, ibinaba ng mga kumpanya ng gasolina ang kada litro ng presyo ng diesel at kerosene ng P0.40 at P0.35, ayon sa pagkakasunod. Samantala, ang gasolina ay itinaas ng P0.50 kada litro.

Ang pinakahuling galaw ng presyo ay nagdala ng year-to-date adjustments upang tumayo sa mga netong pagtaas ng P5.95 kada litro para sa gasolina, P4.05 kada litro para sa diesel, at P0.05 kada litro para sa kerosene. RNT

Previous article2.15M Pinoy walang trabaho nitong Enero
Next articleMarch 11 ‘di holiday – Palasyo