MANILA, Philippines – Pinasinungalingan ng Malacañang ang kumakalat na balita online na nagsasabing idineklarang regular holiday sa buong bansa ang Marso 11 sa selebrasyon ng Eid’l Fitr.
Ayon sa Official Gazette ng Republic of the Philippines, ang kumakalat na dokumento ay “tampered version of Proclamation No. 729, s. 2019, issued by then Executive Secretary Medialdea during the previous administration.”
Sa kasalukuyan ay wala pang idinideklarang holiday para sa selebrasyon ng Eid’l Fitr ngayong taon. RNT/JGC