Home NATIONWIDE Batang bingi muling nakarinig sa tulong ng Malasakit Center

Batang bingi muling nakarinig sa tulong ng Malasakit Center

MANILA, Philippines- Nadurog ang puso ni Maan Anthonette Ronquillo nang malaman niya na ang kanyang 2-anyos anak na babae, si Sian Alessandria, ay na-diagnose na may bilateral profound hearing loss.

Ang katotohanang ito na ang kanyang anak na babae ay bingi at hindi makapagsalita ay napakasaklap para kay Maan.

Ang tanging pag-asa para kay Sian ay isang magastos na implant ng cochlear, isang pamamaraan na hirap maabot ng pamilya Ronquillo.

“Nawalan po ako ng pag-asa kasi… hindi po biro ‘yung presyo para po sa implant po ng anak ko,” sabi ni Maan.

Noong Hulyo 2023, nagkaroon ng pagkakataon si Maan na makilala si Senator Christopher “Bong” Go, ama ng Malasakit Center Program.

Matagal nang nagsisikap si Sen. Go sa mga hakbang na nakatutulong upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

Ang kanyang mga inisyatiba ay sumalba na sa hindi mabilang na buhay. Sa pagkakataong ito, isa na sa kanila si Sian.

“Unang-una po talaga nasa isip ko ang paglapit kay Senator (Go) kasi alam ko po siya po ‘yung unang-unang makatutulong po para sa anak ko. sa kanya po talaga kami lumapit. At ‘di po ako nagkamali kasi po. talagang malaki po ‘yung naitulong n’ya,” sabi ni Maan.

At sa tulong nga ng Malasakit Cente sa ospital, sumailalim ang anak ni Maan sa isang operasyon na nagpabago sa buhay ng paslit.

“Kayo po ‘yung naging daan para mabago niyo po ‘yung buhay ng baby ko at mabigyan po siya ng magandang future. Dahil po sa tulong ninyo, nakaririnig na po ‘yung anak ko. Maraming salamat po Senator Bong Go,” ani Maan.

Pinagsama-sama sa Malasakit Centers ang Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office para matulungan ang mga mahihirap na pasyente na mabawasan ang kanilang mga gastos sa ospital sa pinakamababang posibleng halaga.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019.

Sa ngayon, may 165 Malasakit Centers ang operational sa buong bansa na tumutulong sa mga gastusin sa pagpapagamot ng mga pasyente.

Samantala, nananatiling mapagkumbaba si Go sa kabila ng umaapaw na papuri at pasasalamat na natatanggap niya dahil sa tagumpay ng Malasakit Center.

Iginiit niya na ang tunay na pasasalamat ay para sa mga taong nagbibigay sa kanya ng pagkakataong makapaglingkod. RNT