MANILA, Philippines – MAY limang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang apektado ng pagkakaantala ng kanilang confirmation hearings sa gitna ng tensyon sa Senado.
“It has come to our attention, meron nga po five na generals from the AFP who are affected po yung kanilang confirmation doon po sa schedule that would be given para po ma-confirm na sila,” ang winika ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla.
“So this is our hope at this point in time na sana nga po ay matuloy na po itong confirmation hearing for them. We are awaiting guidance from the proper agency to inform us, sa kanila na matutuloy na nga po itong confirmation na ito,” ayon pa rin kay Padilla.
Sinabi ni Padilla na ang mga apektadong opisyal ay naka-assigned sa mga bagong itinayong AFP units at humahawak ng iba’t ibang posisyon at ranggo.
At nang hingan ng mensahe kaugnay sa situwasyon, sinabi ni Padilla na ang military ay nananatiling committed sa ‘professionalism at political neutrality.’
“Mananatili pong professional ang inyong Armed Forces. Non-partisan ang aming institution at sumusuporta po tayo sa mga legal na proseso, habang patuloy po tayong nakatuon and focused sa aming pangunahing tungkulin, which is ang pagtanggol ng ating bayan at ang paglilingkod po sa sambayanang Pilipino,” ani Padilla.
“And in all these po, we remain to be a team player with all other agencies. So it is our hope na matuloy na nga din po itong confirmation hearing,” aniya pa rin.
Nauna rito, walang sesyon na ginawa sa Senado matapos na mag-walkout ang mga miyembro ng majority kasunod ng pag-aretso kay Senator Jinggoy Estrada.
Sinabi ni Minority bloc Senator Juan Miguel Zubiri na may nakabinbing trabaho sa Senado na kailangang aksyunan.
“We have two third-reading bills here today, or three. And two of them happened to be citizenship bills for our Philippine teams,” ang tinuran ni Zubiri.
“Mahalaga dito yung sa CA (Commission on Appointments) kasi meron palang mga generals that are up for promotion, na darating na yung birthday nila. Kung hindi magko-convene yung CA, kawawa naman sila. Naapektuhan pa yung promotion nila,” aniya pa rin.
Ang Commission on Appointments ay binubuo ng Senate President na magsisilbing ex officio chairman ng komisyon, 12 mambabatas mula sa Senado, at 12 miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan. KRIS JOSE