Home NATIONWIDE Pondo para sa special elections sa 4th district ng Cavite gagawan ng...

Pondo para sa special elections sa 4th district ng Cavite gagawan ng paraan ng Comelec

38
0

MANILA, Philippines – Kakailanganin ng P200 milyong pondo para sa isasagawang special elections sa ikaapat na distrito ng Cavite para punan ang nabakanteng pwesto ng pinatalsik na si Rep. Kiko Barzaga.

Ito ayon sa Commission on Elections (Comelec) kung saan hahanapan pa ng paraan ang nasabing pondo para dito.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang naturang halalan ay wala sa naunang pinaghahandaan ng komisyon.

Dagdag pa ni Garcia, pag-uusapan ng Comelec banc ang isyu sa kinakailangang pondo at paghahanda para sa nasabing eleksyon.

Paliwanag pa ni Garcia, walang ibang opsyon ang Comelec kundi magsagawa ng special election at dapat maisagawa ito mula sa 60 araw ngunit hindi rin lalagpas sa 90 araw mula nang mabakante ang posisyon.

Tinatayang 437,730 rehistradong botante ang maaapektuhan ng special election sa ikaapat na distrito ng Cavite.

Ayon pa kay Garcia, ang pinakahuling araw para magsagawa ng halalan ay September 2, o dalawang linggo bago ang kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Election at halos isang buwan bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here