Home NATIONWIDE Mas matibay na ugnayan sa DOLE officials panawagan ni Tolentino

Mas matibay na ugnayan sa DOLE officials panawagan ni Tolentino

39
0

MANILA, Philippines -Nanawagan si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis N. Tolentino ng mas matibay na ugnayan, pananagutan, at mga landas na maghahatid sa mga manggagawa mula sa ayuda tungo sa sustainable na trabaho, kabuhayan, at produktibidad.

Ito ang binigyang-diin niya sa isang pulong kasama ang mga regional director, bureau director, at senior officials ng Kagawaran nitong Hunyo 1, 2026 sa DOLE Central Office sa Intramuros, Manila.

Binigyang-diin ni Secretary Tolentino ang kahalagahan ng pag-unawa sa sitwasyon sa ground.

Aniya, dapat isalin ng mga programa sa labor at employment sa tunay at pangmatagalang pag-unlad ng buhay ng mga manggagawa, kanilang pamilya, at komunidad.

Binigyang-halaga rin niya ang pagpapalakas ng koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, Public Employment Service Offices (PESOs), at iba pang stakeholders para isulong ang employment, skills development, proteksyon ng manggagawa, at oportunidad sa kabuhayan.

Paalala rin ng Kalihim sa mga regional director na mahigpit na sundin ang mga probisyon ng Labor Code of the Philippines sa paghawak ng mga usaping pang-manggagawa, kabilang ang pagsasagawa ng mga pagpupulong at pagdinig na maaaring magresulta sa pag-issue ng work stoppage orders.

“Trabaho ninyo hindi lang ipatupad kung ano ang nasa Labor Code kundi mag-innovate sa loob ng umiiral na batas, partikular ang Labor Code of the Philippines,” ani Secretary Tolentino.

Hinimok niya ang lahat ng regional director na aktibong mag-ambag ng mga inobasyon at magagandang practices na tumutugon sa realidad ng local labor market habang nananatili sa loob ng batas at mandato. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here