Home NATIONWIDE Proposed amendments ng Kamara sa 2024 nat’l budget ilalabas sa Oct. 10...

Proposed amendments ng Kamara sa 2024 nat’l budget ilalabas sa Oct. 10 – solon

MANILA, Philippines – Inatasan na ang maliit na komite ng Kamara para suriin ang mga aamyendahan sa proposed P5.768 trilyon na national budget para sa 2024.

Inaasahang ilalabas ang output nito pagsapit ng Oktubre 10.

Ang anunsyong ito ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Representative Elizaldy Co ay isang araw matapos magsimula ang small committee ng kanilang diskusyon sa proposed amendments sa 2024 budget bill, kabilang ang realignment ng confidential at intelligence funds ng mga ahensya.

Ani Co, idinaos ng small committee ang kanilang first organizational meeting nitong Martes, Oktubre 3.

“There are numerous budget items lined up for amendments and/or realignment including the Confidential and Intelligence Funds (CIF) of various civilian agencies. As authorized by the House and consistent with parliamentary precedent, the small committee has until October 10, 2023 to finish its task,” pagbabahagi ni Co.

“Since the proposed amendments are of great interest to media and the Filipino people, we will announce the changes at the proper time,” dagdag niya.

“Please bear with us and allow us to perform our assigned tasks as mandated by the House of Representatives,” sinabi pa nito.

Inaprubahan na ng Kamara ang proposed 2024 budget sa ikatlo at huling pagbasa ng walang amendments.

Bago pa ang pag-apruba ng Kamara, naglabas na ng pahayag ang House leaders na nagsasabing ililipat ng kapulungan ang CIF ng ilang ahensya patungo sa mga ahensyang higit na nangangailangan nito, partikular na ang mga nakatalaga sa pagsiguro ng exclusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea kasabay ng agresibong aksyon ng China.

Ang kabuuang CIF sa lahat ng mga ahensya sa 2024 proposed budget ay nasa P10 bilyon.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Albay Representative Edcel Lagman na hindi na dapat ibinibigay ang CIF sa civilian agencies.

“All agencies not entitled to confidential and intelligence funds (CIFs) because of the nature of their functions and the extent of their mandate must be deprived of secret funds in their entirety and a mere reduction must not suffice,” ani Lagman.

“There is no rhyme nor reason for an agency not entitled to CIFs to retain any appropriation at all as an ‘accommodation’ or ‘courtesy’ allocation,” dagdag niya. RNT/JGC