Home NATIONWIDE Prosecution nais pagpaliwanagin si VP Sara sa paglipat ng confi fund sa...

Prosecution nais pagpaliwanagin si VP Sara sa paglipat ng confi fund sa military official

1
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng prosecution panel si Vice President Sara Duterte na personal na magpaliwanag sa paglilipat ng confidential funds sa isang opisyal ng militar, matapos ibunyag ng isang saksi ng Commission on Audit (COA) na malinaw itong paglabag sa mga panuntunan.

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial, kinumpirma ni COA-Intelligence and Confidential Funds Audit Office (COA-ICFAO) supervising auditor Xylene Mae del Campo na nagpalabas ng Notice of Disallowance noong Marso para sa tatlong P125-milyong cash advance na ibinigay sa Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Del Campo, ibinatay ito sa sinumpaang salaysay ng dating OVP special disbursing officer na si Gina Acosta sa naging House Inquiry noon ng Kamara, kung saan inamin ni Acosta na sa direktiba mismo ni Duterte ay ibinigay niya ang pondo kay Col. Raymond Dante Lachica, pinuno ng Vice-Presidential Security and Protection Group.

Sa isang press conference, sinabi ng abugado at tagapagsalita ng prosekusyon na si Atty. Benjamin Tolosa Jr. na tanging si Duterte ang dapat sumagot sa isyu dahil siya ang nag-utos ng transaksyon.

“Dito maliwanag, narinig natin, siya mismo nag-utos ng ganitong bagay, which constitutes a direct violation of the Joint Circular. Walang iba makakapaliwanag dyan kung hindi ang vice-president,”pahayag ni Tolosa

Gayundin ang pahayag ni Kabataan Partylist Rep. Renee Co, tagapagsalita rin ng prosekusyon, na kailangang marinig mismo kay Duterte ang anumang paliwanag dahil sa malinaw na probisyon ng Joint Memorandum Circular.

Sa ilalim ng Joint Circular No. 2015-01, ipinagbabawal ang paglilipat ng confidential cash advance mula sa isang accountable officer patungo sa iba sa anumang circumstances, dahilan upang agad maglabas ng notice of disallowance ang COA.

Patuloy na diniding ng Senate Impeachment court ang testimonya ukol sa Article 1 o may kinalaman sa iregular na paggamit ng milyong confidential funds. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here