Home NATIONWIDE Prosekusyon naghahanda sa posibleng SC petition at ‘mistrial’ move ng depensa ni...

Prosekusyon naghahanda sa posibleng SC petition at ‘mistrial’ move ng depensa ni VP Sara

1
0

MANILA, Philippines – Naghahanda ang House prosecution sa posibilidad na umakyat sa Korte Suprema o igiit ang “mistrial” ng kampo ni Vice President Sara Duterte, habang naka-recess ang impeachment trial, ayon kay private prosecutor Lorna Kapunan.

Ani Kapunan, gagamitin ng prosecution team ang recess para paghandaan hindi lang ang cross-examination sa mga saksi ng depensa kundi pati ang iba pang hakbang na maaaring tahakin ng kampo ni Duterte, ito ay matapos limitahan ng impeachment court ang paglilitis sa Article II na tungkol unexplained wealth.

Ayon kay Kapunan, hindi pa alam ng prosekusyon kung sinong mga saksi ang ihaharap ng depensa, kung mayroon man.

Una nang binanggit ni lead defense counsel Sheila Sison ang posibilidad ng mistrial,katwiran ng depensa, hindi nabibigyan si Duterte ng katapat na pagkakataong pormal na sagutin ang mga paratang sa harap ng impeachment court.

Naniniwala si Kapunan na hindi tatayo ang argumentong kawalan ng due process. “Sa tingin ko, hindi,” giit nito.

Aniya, nabigyan ang depensa ng sapat na oras para i-cross-examine ang lahat ng saksi ng prosekusyon. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here