Home NATIONWIDE Proteksyon sa karapatan, kapakanan ng mga manggagawa ipinangako ni PBBM

Proteksyon sa karapatan, kapakanan ng mga manggagawa ipinangako ni PBBM

316
0

MANILA, Philippines – NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na poprotektahan ng kanyang administrasyon ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Filipino.

Inihayag ng Pangulo ang pangako niyang ito sa dayalogo kasama ang mga labor leaders sa Goldenberg Mansion, Malacañan compound sa Maynila.

“Naka-usap ko ang ating mga labor leaders para tiyakin na mananatiling protektado ang karapatan at kapakanan ng ating mga manggagawa,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang Facebook post.

“Patuloy ang suporta ng gobyerno sa bukas at makabuluhang usapan tungo sa trabahong may dignidad, sahod na sapat, at kinabukasang may pag-asa para sa bawat pamilyang Pilipino,” dagdag na wika ng Pangulo.

Sa kabilang dako, sa isang kalatas, kinumpirma ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) president t House Deputy Speaker Raymond Mendoza ang pakikipagpulong kay Pangulong Marcos, aniya tinalakay sa nasabing pulong ang “most urgent” labor at employment concerns na kinahaharap milyon-milyong manggagawang Filipino.

Pinag-usapan din aniya ang proteksyon ng karapatan ng mga manggagawa, mababang sahod at paglikha ng disenteng trabaho.

“We thank the President for granting this important audience and listening to the voice of labor. We brought forward the necessity of strengthening the right of workers to freely form and join unions not only because it is a fundamental constitutional right guarantee and part and parcel of international labor standards, but also because it is vital to building back better our national economy and unlocking hundreds of thousands of investment and employment opportunities through tariff-free access and free trade agreements,” ang litaniya ni Mendoza.

“We trust that the President’s commitment will be matched by concrete executive and legislative support for these critical reforms. Our workers deserve more than lip service — they demand and deserve laws that promote their dignity at work and in life, substantially raise their wages towards true living wages, and create new, permanent, and decent jobs,” dagdag na pahayag nito.

Tinuran ni Mendoza na committed ang TUCP na makatrabaho ang gobyerno at mahahalagang stakeholders upang masiguro na ang karapatan ng manggagawa ay “not just promised but upheld at all times.”

Binigyang diin din niya na ang “more prosperous and equitable Bagong Pilipinas (New Philippines)” ay hindi mapagtatanto kung ang mga manggagawa ng bansa ay “remains trapped in the vicious cycle of precarious work, poverty wages and powerlessness.”

Samantala, itinutulak naman ng TUCP ang agarang pagpapasa ng ilang batas na mapakikinabangan ng labor sector, kabilang na ang Union Formation Act, Assumption of Jurisdiction Act, at Workers’ Right to Strike Act. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here