Home NATIONWIDE Proteksyon sa mga manggagawa laban sa job displacement ng AI, inihain sa...

Proteksyon sa mga manggagawa laban sa job displacement ng AI, inihain sa Kamara

291
0

MANILA, Philippines – Isang panukalang batas na naglalayong magtatag ng bureau upang matiyak na mabibigyang proteksyon ang trabaho ng mga manggagawa at masigurong mareregulate ang paggamit ang artificial intelligence ang inihain sa Kamara.

Sa House Bill 252 o Artificial Intelligence Regulation Act ay isinusulong ni Cavite Rep Lani Mercado- Revilla na bumuo ng Artificial Intelligence Bureau na pangangasiwaan ng Department of Information and Commmunications Technology(DICT).

Ipinaliwanag ng lady solon na ang pangunahing mandato ng bureau ay A1 governance, innovation at worker protection.

“This bill seeks to regulate the use of artificial intelligence (AI) in the Philippines——ensuring innovation goes hand in hand with ethics, worker protection, and national interest” nakasaad sa panukala.

Sa ilalim ng panukala, ang AI Bureau ang syang mangangasiwa sa pagbuo ng national AI strategy, ito umano ay sa harap na rin ng mga konytrobersiya sa paggamit ng A1 gaya ng deepfake videos at paglabag sa data privacy at  human dignity, titiyakin din ng bureau na may kaukulang safeguards para maiwasan ang mass displacement ng mga manggagawa na maaaring mapalitan dahil sa AI.

“AI is not just a buzzword—it’s a powerful force reshaping our world. We must embrace innovation, but not at the expense of our workers’ dignity, livelihood, and rights,” ani Mercado-Revilla.

“This bill is both pro-innovation and pro-worker. We want the Philippines to be a leader in ethical AI use—one that protects human rights while promoting technological progress,” dagdag pa nito.

Sa oras na maisabatas, ang public at private institutions ay mag-ooperate gamit ang A1 alinsunud sa polisiya na itatakda ng bureau na nakaangkla sa transparency, responsibility at public interest. /Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here