MANILA, Philippines – Nanawagan ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa lahat ng Filipino na i-download at gamitin ang kanilang Digital National ID, bilang bahagi ng pagtulak ng bansa para sa mas accessible at secure na mga serbisyo ng gobyerno.
Ang Digital National ID ay isang opisyal na electronic na bersyon ng PhilSys ID, na maaaring ma-access sa pamamagitan ng eGovPH app o sa pamamagitan ng website ng national ID. Nagsisilbi itong wastong patunay ng pagkakakilanlan para sa malawak na hanay ng pampubliko at pribadong mga transaksyon.
Sinabi ng PSA sa isang pahayag na ang digital format na ito ay kinikilala ng mga bangko, remittance centers, at iba pang institusyon na pinangangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), basta ito ay mabeberipika sa pamamagitan ng PhilSys National ID.
“For everyone who has successfully registered, your National ID is just a few taps away. We encourage you to immediately access your Digital National ID, a reliable and secure valid ID that can be conveniently presented in transactions through your smartphone,” ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis S. Mapa, PhD, National Statistician at Civil Registrar General.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na hindi pinapayagan ang pag-print ng digital ID sa papel o plastic card, dahil tanging ang PSA lamang ang awtorisadong mag-isyu ng mga opisyal na format ng National ID. Ang maling paggamit o hindi awtorisadong pag-imprenta ay maaaring humantong sa mga parusa sa ilalim ng Republic Act No. 11055, na kilala rin bilang PhilSys Act.
Ang hakbang ay bahagi ng mas malawak na pakikipagtulungan sa pagitan ng PSA at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang mapabuti ang digital access, bawasan ang burukrasya, at ilapit ang mga serbisyo sa bawat mamamayan.
“Since we first introduced the Digital National ID, we have seen how it empowered more and more Filipinos in transactions, enabling their access to various services. We implore our fellow kababayans who do not have their Digital National ID yet—or previously downloaded a copy—to access it now via the eGovPH app and enjoy the advantages of being a registered person,” ani Bautista.
Tiniyak ng PSA sa mga Filipino na ang Digital National ID ay nagpapanatili ng parehong legal na validity gaya ng physical ID at pinoprotektahan sa pamamagitan ng mahigpit na data privacy at security protocols. RNT/MND