Home NATIONWIDE PSA sinisilip maghigpit sa polisiya sa late birth registration

PSA sinisilip maghigpit sa polisiya sa late birth registration

MANILA, Philippines- Binubusisi ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang paghihigpit sa polisiya sa pagproseso ng late birth registration matapos batikusin ng Senado ang mga proseso nito.

“Due diligence din on the part of the civil registrar to conduct validation dun sa mga supporting documents at maglalabas po ang PSA ng supplemental guidelines sa delayed registration,” pahayag ni Marizza Grande, PSA assistant national statistician, sa isang panayam nitong Huwebes.

Naniniwala ang ilang senador na posibleng sinasamantala ng mga sindikato ang late birth registration policy ng PSA kasunod ng mga iregularidad sa katauhan ng kontrobersyal na Bamban, Tarlac mayor na si Alice Guo.

Iginiit ng alkalde na huli nang nairehistro ang kanyang birth certificate.

Base sa datos ng PSA noong 2022, 1.3 milyong kapanganakan ang nairehistro nang tama sa oras habang 127, 919 ang nairehistro lamang 30 araw matapos isilang.

Samantala, 3.7 milyong Pilipino ang walang birth certificates dahil sa iba’t ibang rason hanggang noong 2020. RNT/SA