Manila, Philippines- Nitong mga nakaraang araw matapos mai-submit for resolution ang kaso ay lumabas sa social media at diyaryo ang ilang detalye ng affidavit at counter-affidavit, na hindi naman talaga labag sa batas, because any public document ay pwedeng i-request sa korte gaya nga ng nangyari sa tunggalian nina Deniece Cornejo at Vhong Navarro dati.
Isa sa mga detalyeng napansin namin at ng ilang netizen, na hindi napagtuunan ng pansin ng media, ay ang psychological report ni Sandro Muhlach, na sa page 4 ay sinasabi na natakot ang 23-year-old actor sa magiging reaction ng tatay niyang si Nino Muhlach, kaya he was only “compelled” na mag-report sa NBI nang kumalat na ang issue dahil sa post ni Ogie Diaz.
Hindi specific na sinabi rito kung anong post ni Ogie ang tinutukoy pero balikan natin ang mga petsa.
July 30, 2024, nagpost si Ogie sa Instagram account niya na ogie_diaz ng story ng: “Anong muntik? May nangyari talaga. Believe me.
Wag na pagtakpan. Dapat ipaglaban at makuha ang hustisya para sa inabuso.”
Kung ang YouTube vlog naman ni Ogie na ‘Ogie Diaz Showbiz Update’ ang tinutukoy dito, July 31 ay hindi na mga blind item ang sinabi at tuluyan niyang pinangalanan si Sandro kung saan fineature niya rin ang ilang X accounts kung saan pinangalanan at ibinalandra ang mukha ng respondents na sina Jojo Nones at Dode Cruz.
Malinaw kasi na hindi tugma ang nasa sinumpaang salaysay ni Sandro sapagkat July 27 ang petsa ng kanyang medico legal kung saan negatibo nga ang naging resulta sa sugat o pasa man lang sa masselang bahagi ng kanyang katawan.
Hindi na nakapagtataka kung bakit ganoon na lang ang interes ng mahigit 1M netizens sa isang viral TikTok video kung saan diumano’y sariling ebidensya ni Sandro ang nagpatalo raw sa kaso niya.
General summary lang naman ito ng article ng Pep.ph kung saan isa sa highlights ay ang pagtawag at pagte-text ni Sandro sa girlfriend niyang si Shanelle Agustin during the time na sinasabi niyang nangyari ang diumanong panghahalay sa kanya.
Ayon sa kanyang complaint affidavit as quoted sa counter affidavit, si Shanelle ang unang sinabihan ni Sandro sa masaklap niyang karanasan sa dalawang respondents pero pinigilan siya ng binata na ireport ito sa authorities kaya sinabi niya ito kay Nino.
Taliwas ito sa napakalinaw na statement ni Nino na pinaulit-ulit niya during the first and second senate hearing, pati na rin sa press interviews sa loob at labas ng senado.
Ayon kasi sa dating child star ay si Alonzo Muhlach ang unang pinagkwentuhan ni Sandro. Ikalawa siya at ikatlo naman si Sen. Bong Revilla.
Lahat ito ay naganap noong July 21, within 24 hours nang sapitin ng Sparkle artist ang diumano’y kahalayan sa dalawang bading.
Ayon mismo kay Nino, ang meeting na ito sa senador ay para matulungan siya na ma-meet si Atty. Annette Gozon-Valdes na GMA Network Senior VP.
Walang nabanggit si Nino sa pinag-usapan nila ni Sen. Revilla na pagpapa-medico legal, pagpapa-drug test o pag-file ng police report.
Sa ngayon ay mukhang masaya na si Sandro at walang problema sa buhay lalo pa’t sinorpresa siya ng kanyang nanay na si Edith Millare nang umuwi ito galing Amerika.
Pinarody pa nga ng content creator na si Gian Karl Roncesvalles kasama ng friend niyang beki ang reaction ni Sandro na gulat na gulat. Trixie Dauz