Home NATIONWIDE Psychosocial intervention sa studes, guro sa Tacloban shooting, isinagawa

Psychosocial intervention sa studes, guro sa Tacloban shooting, isinagawa

3
0

MANILA, Philippines – Sasailalim sa serye ng psychosocial intervention at trauma management ang mga estudyante at guro na naapektuhan ng pamamaril sa Tacloban City, sa pangunguna ng Department of Education (DepEd) at sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH).

Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, pinangungunahan ni Education Secretary Sonny Angara at ng DepEd ang programa dahil sa loob ng paaralan nangyari ang insidente.

“Ang nagis-spearhead into dahil nasa loob siya ng school ay sina Education Secretary Sonny Angara, sa pamumuno ng DepEd,” ani Gatchalian.

“Nag-organize sila ng multiple sessions kasama na ang DSWD at DOH. So it’s a series…of psychosocial decompression, kasama na ang trauma management. Ang importante dito matulungan nila na ma-process ang nangyari,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Gatchalian na nakipagtulungan ang DSWD sa Ateneo School of Psychology upang makabuo ng pangmatagalang programa para sa mga biktima.

Noong Hunyo 22, dalawang menor de edad na may edad 14 at 15 ang umano’y sangkot sa pamamaril sa San Jose National High School na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng marami pa.

Ayon sa Police Regional Office 8, nagsampa na ng criminal complaint laban sa 15-anyos na suspek. Ang dalawang child in conflict with the law ay nasa pangangalaga na ng DSWD sa Tacloban City.

Sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, exempted sa criminal liability ang mga batang 15 taong gulang pababa at sasailalim sa intervention program. Ang mga higit sa 15 ngunit wala pang 18 taong gulang ay exempted din maliban kung mapatutunayang kumilos nang may discernment. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here