Home NATIONWIDE Public advisory vs ashfall inilabas ng DOH

Public advisory vs ashfall inilabas ng DOH

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa ashfall matapos ang pagsabog ng bulkang Kanlaon nitong Lunes.

“Manatili sa loob ng proteksiyon ng iyong tahanan o evacuation area. Iwasang lumabas nang hindi kinakailangan; maging alerto sa mga kondisyon ng kalsada. Mahigpit na sundin ang mga batas trapiko na ipinapatupad at ihanda ang iyong emergency bag (Go Bag). Magdala ng sapat na suplay ng pagkain, tubig, damit , first aid, at gamot,” ayon sa abiso ng DOH.

Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng paglilinis ng mga abo mula sa mga rooftop at drains pagkatapos tumigil ang ashfall.

“Huwag tangkaing maglinis habang bumabagsak pa ang abo,” paalala ng DOH. “Sundin ang payo ng mga lokal na awtoridad kung ano ang susunod na gagawin,” dagdag oa nito.

Iniulat ng Phivolcs na nagsimula ang pagsabog bago mag-alas-7 ng gabi at nagbugo ng limang kilometrong taas na abo mula sa bunganga nito.

Binanggit ng DOH na ang pagtiyak sa kaligtasan ng pagkain, pangangalaga sa paghinga, at personal na kalinisan bilang tatlong mga salik na dapat bantayan sa pagbagsak ng abo. RNT