Home HOME BANNER STORY 4 sa 10 Pinoy na nakakulong sa Brunei swak sa death row...

4 sa 10 Pinoy na nakakulong sa Brunei swak sa death row – DMW

MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga opisyal ng Brunei para maisalba ang buhay ng mga Pinoy na nahatulan doon ng parusang kamatayan.

Nitong Lunes, Hunyo 3 nang bisitahin ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang 2 Pilipinong nasa death row sa Brunei upang matiyak ang patuloy na suporta ng gobyerno sa kanila at sa kanilang mga pamilya.

Si Cacdac, na bahagi ng delegasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa dalawang araw na state visit sa Brunei Darussalam, ay nakatagpo ng mga OFW na sina Edgar Puzon at Cyrile Tagapan noong Miyerkules, Mayo 29 sa Maraburong Prison Facility 1 sa Keriam, Tutong Distrito.

Si Puzon ay hinatulan sa pagpatay sa kapwa OFW noong 2005, habang si Tagapan ay nagsisilbi sa kanyang sentensiya mula noong 2016 para sa pagpatay sa isang Bruneian national, arson, at pagnanakaw.

Binabaan na ang hatol kay Puzon sa habambuhay na pagkakakulong. Siya ay magiging 70 sa Enero sa susunod na taon.

Sa pagbisita sa bilangguan, kasama ni Cacdac si Attorney Czar Calabazaron, ang nag-iisang Filipino practicing lawyer sa Brunei.

Ipinaalam ni Calabazaron kay Cacdac na ang kanilang kumpanya ay naghain na ng kahilingan ni Puzon at Tagapan para sa clemency sa Attorney General’s Chambers at sa Privy Council ng Prime Minister’s Office.

Ang kapwa legal and financial assistance na ibinigay kina Puzon at Tagapan came from the DMW’s Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFW na Nangangailangan (AKSYON) Fund. Ang nasabing pondo ay nilikha sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act No. 11641, o mas kilala bilang Department of Migrant Workers Act. Dinisenyo ito para magamit bilang emergency fund para sa mga pangangailangan ng Overseas Filipino Workers (OFW) kabilang ang repatriation, evacuation, at rescue.

Sinabi ni Cacdac na 70 Pinoy ang nasa death row sa iba’t ibang bansa, na karamihan ay nasa Saudi Arabia, at Malaysia.

Samantala, 45 sa mahigit 104 displaced OFWs ang binigyan naman ng tig-P30,000 na ayuda ng DMW kasabay ng pagdiriwang ng National Migrant Workers Day. RNT