Home HOME BANNER STORY Sobrang init na panahon dahilan ng pagsabog ng Kanlaon

Sobrang init na panahon dahilan ng pagsabog ng Kanlaon

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Kanlaon Volcano Observatory ang pagsabog ng buklan nitong alas-6:50 ng gabi noong Hunyo 3, 2024.

Ayon sa PHIVOLCS, nangyayari ang phreatic eruption kapag mayroong mataas na lebel ng tubig sa bunganga ng bulkan.

Sinabi ng Kanlaon Volcano Observatory na namonitor nito ang pagtaas ng seismicity sa bulkan nitong mga nakaraang buwan.

Ang matinding init ng panahon ay humantong sa pagtaas ng antas ng enerhiya na nagtulak sa tubig pataas at pagbuga ng “mga elemento ng maliwanag na maliwanag.”

Naglabas ang bulkan ng maiinit na gas at abo.

Ayon kay Engr. Mari Andylene Quintia, resident volcanologist sa Kanlaon Volcano Observatory, ang friction sa pagitan ng mainit na materyales na inilabas ng bulkan ay nagdulot ng incandescence sa crater.

“Ang ating bulkan, hot materials itong kanyang inilalabas. Ang hot materials na ito kumbaga, nagkakalapit sila sa isa’t isa. Dina-drive sila paitaas, itong malakas na energy. So ang friction between these hot materials could cause of incandescence sa ating bulkan,” ani Quintia.

Sa Alert Level 2 na nakataas sa Bundok Kanlaon, ang mga barangay sa paligid ng bulkan, lalo na sa mga lugar sa loob ng apat na kilometrong permanenteng danger zone, ay inatasan upang mapadali ang preemptive evacuation kung kinakailangan.

Pinayuhan ang mga residente sa Bago City, La Castellana, at La Carlota City sa Negros Occidental na magbantay. Santi Celario