Home NATIONWIDE Public hearing sa taas-minimum wage sa Calabarzon itinakda sa Aug. 8

Public hearing sa taas-minimum wage sa Calabarzon itinakda sa Aug. 8

217
0

Magsasagawa ng public consultation ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) – Calabarzon sa posibleng pagsasaayos ng minimum wage sa rehiyon sa susunod na linggo.

Sa isang advisory nitong Huwebes, sinabi ng wage board na gaganapin ang konsultasyon sa publiko sa Agosto 8 sa alas-10 ng umaga sa 2nd Floor Locator’s Hall ng First Cavite Industrial Estate (FCIE) Administration Office sa Dasmariñas City, Cavite.

Ang CALABARZON ay binubuo ng probinsya ng Çavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Layunin ng konsultasyon na ito ay makakuha ng komprehensibong feedback mula sa mga kinatawan ng management at labor para matiyak ang pagbabalangkas ng patas at epektibong mga patakaran sa sahod para sa Calabarzon, ayon sa wage board.

Nanawagan ang RTWPB-Calabarzon sa lahat ng stakeholder kabilang ang labor groups, employers na makiisa sa mga pampublikong konsultasyon.

Ang huling pagsasaayos ng sahod sa Calabarzon ay nagkabisa noong Setyembre 24, 2023.

Ang Wage Order No. IVA-20 ay nagbigay ng dagdag sahod mula P35 hanggang P50 para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ang pagtaas ay nagdala ng bagong minimum wage rates sa rehiyon sa P385-P520 sa non-agriculture sector; P385-P479 sa sektor ng agrikultura; at PP385 para sa mga retail at service establishment na gumagamit ng hindi hihigit sa 10 manggagawa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here