Home NATIONWIDE Public holidays ngayong Hunyo, Hulyo idineklara ng Palasyo

Public holidays ngayong Hunyo, Hulyo idineklara ng Palasyo

MANILA, Philippines – Nagdeklara ng mas marami pang local holidays si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Hunyo at sa Hulyo para sa selebrasyon ng mga kapistahan at founding anniversaries ng iba’t ibang lungsod at bayan.

Mayroong 13 proklamasyon ang kamakailan ay pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin at inilathala sa Official Gazette.

Sa Proclamation No. 931, idineklara ang June 25 bilang special nonworking day sa Sabangan, Mountain Province, para sa selebrasyon ng 62nd founding anniversary nito.

Special nonworking day din ang kaparehong araw sa Calanasan, Apayao sa ilalim ng Proclamation No. 932 sa 62nd founding anniversary nito.

Ang Proclamation No. 933 ay naglalagay ng special nonworking day sa Hulyo 1 sa Pangantucan, Bukidnon, para sa ika-63 founding anniversary ng bayan.

Sa kaparehong araw ay special nonworking day din sa apat iba pang lugar. Ito ay sa Maramag, Bukidnon, sa ilalim ng Proclamation No. 934 para sa 69th founding anniversary; Proclamation No. 935 sa special nonworking day sa San Carlos City, Negros Occidental, para sa 65th charter anniversary; special nonworking day sa Kibawe, Bukidnon, sa ilalim ng Proclamation No. 936 para sa 69th founding anniversary; at Proclamation No. 943 sa special nonworking day sa Dipolog City, para sa 112th founding anniversary.

Itinalaga naman ang Hulyo 15 bilang special nonworking day sa Mauban, Quezon sa bisa ng Proclamation No. 935 para sa Araw ng Mauban.

Sa kaparehong araw ay special nonworking day din sa Cordillera Administrative Region sa ilalim ng Proclamation No. 939 para sa 38th founding anniversary nito.

At ang Proclamation No. 938 na nagdedeklara sa Hulyo 18 bilang special nonworking day sa Digos City, Davao del Sur, para sa Padigosan Festival. RNT/JGC