MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) ay dapat na makatanggap ng buong suporta mula sa pamahalaan.
Sa kanyang speech sa Filipino community sa Osaka, Japan, sinabi ng Pangulo na sinisikap ng pamahalaan na magkaroon ng oportunidad sa mga OFW na nais nang magretiro.
”Hangad din namin maging maayos ang inyong pagdating at pag-alis sa ating bansa. Kaya naman naglaan tayo ng OFW Lounge sa airport para may lugar kung saan puwedeng magpahinga,” aniya.
”Masigasig din ang ating pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansang tumatanggap ng ating manggagawa para makabuo ng bilateral labor agreement upang matiyak natin na ligtas at makatao ang trabaho, at nabibigyan ng pagkakataong umunlad ang ating mga kababayan.”
Kinilala rin ni Marcos ang sakripisyo ng mga OFW para sa kanilang mga pamilya.
”And that is why we will never tire of honoring you and finding ways to improve your lives. You are at the heart of our government’s efforts, and you deserve not only our gratitude but also our full support,” ani Marcos.
May malaking tungkulin din aniya ang mga Filipino sa Japan sa pagbuo ng “even stronger connections in shared values for a mutually stable, secure, and prosperous relationship between our two countries.”
“This is why I hope you will join me and the Philippine nation in helping our community here in Japan to grow even more in love with the Philippines, to learn and embrace fully your Filipino identity, and to support our nation’s aspirations for unity, for peace, and for prosperity,” ayon pa kay Marcos.
Ang Pangulo ay nasa Japan para sa isang working visit. RNT/JGC