MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Joey Villarama sa publiko na mag-ingat sa gitna ng vog (volcanic smog) na napansin sa Taal Volcano.
“Ginagawa naman po ng gobyerno ang lahat para hindi po maging malaki ‘yung impact nitong pag-alboroto ng Taal,” ang sinabi ni Villarama sa Palace reporters.
“So, kaya mag-ingat po tayo and obviously nandiyan din po ‘yung coordination din ng mga government agencies kasi kung kailangan po lumikas ‘yung mga affected inhabitants and residences po in the vicinity or ‘yung nasasaklaw po ng Taal Volcano,” aniya pa rin.
Nauna rito napaulat na nabalot ng makapal na volcanic smog ang halos buong Batangas.
Umabot pa ito sa Laguna, Cavite at ilang bahagi ng Metro Manila matapos magbuga ng makapal na sulfur dioxide ang Bulkang Taal. May mga residente ring hirap sa paghinga. Kris Jose