Manila, Philippines – Naurirat ni Ogie Diaz ang isang mayor sa lalawigan ng Quezon kung totoo ang balitang nanliligaw ito kay Kathryn Bernardo.
Maugong kasi ang umano’y panunuyo ng alkalde kay Kathryn kaya minabuti ng talent manager turned vlogger na linawin mismo ang issue sa young and dashing public servant.
Noong una raw ay dedma si mayor pero sa huli ay naurot niya ito.
Nang tanungin daw niya ito ay nanahimik lamang ito.
Hirit naman niya, di raw niya masabi kung ang hindi pagsagot ng alkalde ay nangangahulugang ‘oo’ o totoong nanliligaw ito.
Dagdag pa niya, kung sakaling umamin daw ito, at nakiusap na huwag na munang isapubliko ang lahat, hindi naman daw niya ito ibubunyag.
Napag-usapan naman ito ng kibitzers sa isang portal kung saan nag-opinyon ang mga kate-katera at sawsawera.
May mga nagsabi pang tila may katotohanan ang balita.
May mga nagmamaldita pang nagsasabing ‘tagilid’ kung sakali si Alden Richards sa panliligaw kay Kathryn.
Ito ang ilang sundot ng kibitzers.
“Silence means yes. Hahaha!”
“Patay! Tagilid si Alden!”
“So true?”
“Ang haba ng hair ni Kath. Daming suitors.” Archie Liao