Home ENTERTAINMENT Karla, lantarang pinagselos ng ex!

Karla, lantarang pinagselos ng ex!

Manila, Philippines – Ano kaya ang motibo ng dating kasintahan ni Karla Estrada na nag-post sa Instagram ng kanilang larawan ng nobya nito ngayon?

Ito ang nagkakaisang tanong ng mga netizen makaraang ibalandra ni Jam Ignacio ang babaeng ipinalit sa TV host-actress.

Makikita kasing kayakap ni Jam ang bagong nobyang nakilalang si Jennie Aw.

Ayon sa profile nito, isang influencer at resident disc jockey si Jennie.

No caption accompanies their photo together.

Pero obyus na si Jennie ang bagong inspirasyon ni Jam.

Matatandaang matagal ding magkarelasyon sina Karla at Jam.

They were first sighted at District 8, a restobar in San Juan City during its anniversary party in 2019.

Hinihinalang taong 2023 nang magkahiwalay sila, this after a couple of nosy netizens noticed na hindi na pina-follow nina Karla at Jam ang isa’t isa sa Instagram.

Pero kung bibisitahin ang Facebook page ni Karla ay mapapansing may natira pang post ng litrato nila.

Bagama’t walang kasamang caption ang photo nila ni Jennie na ipinost ni Jam, obyus namang may namamagitan sa kanila.

However, hanggang ngayon ay hindi pa nga kinukumpirma mismo ni Karla na last year pa sila break ni Jam.

What appears baffling though ay kung ano ang ibig palabasin ni Jam by posting his sweet photo with Jennie?

Paraan daw ba ‘yon para pagselosin si Karla?

Ang tanong: ikinaselos nga ba ‘yon ng TV host-actress?

Marami kasi ang nagsasabing unbothered si Karla even if zero ngayon ang kanyang lovelife as she has a lot of things in mind.

Aside from her showbiz career, mas nakatutok daw ang atensyon ni Karla sa kanyang planong pagpasok sa local politics.

So, why get affected nga naman daw kung nakatagpo na ang dating nobyo ng ibang babae?

At wala rin ba tayong napapansin–tila nagkakaparehong zero ang lovelife ni Karla at ng anak na si Daniel Padilla? Ronnie Carrasco III